Ang henerasyon ng mga kabataan ngayon ay may malaking
pinagbago. Bihira nalang tayo makakita ng mga kabataan na ginagawa ang
magagandang asal na tinuro ng kanilang mga magulang. Para sa atin hindi dapat
natin hayaan ang mga kabataan na gumawa ng masasama na magbibigay ng masamang
epekto sa kanilang kinabukasan. Ang mga
kabataan ay dapat bigyan ng pansin, respeto, pag aruga at pagmamahal dahil ito
ay maari nilang dalhin hanggang sila ay lumaki at magkaroon ng sariling pamilya
sa tamang edad.
Ngayon ang mga kabataan ay kakaunti na lang na makikita na
naglalaro sa mga kalye, nakakalungkot isipin na ilan lamang bata ang makikita natin na naglalaro ng
tradisyunal na larong ipinamana ng mga matatanda sa atin. Ito ang ilan sa mga
larong pinoy na kinalakihan natin noon at sana’y maibahagi din natin ito sa mga
kabataan ngayon.
Noon ang mga laro ay physical lamang, pero ngayon halos
hindi na makaalis ang mga mata sa computer naglalaro ng mga online games na
nakaka adik gaya ng LOL, SF, Crossfire, cabal, DOTA at iba pa lalo na sa mga
kalalakihan, yung iba nga ay ginawang tambayan ang computer shop at naghihintay
ng bakante kahit anong oras pa ang tatagalin matyaga silang maghintay upang
sila ay makapaglaro at ito pa ang ibang social networking sites na patok din
ngayon gaya ng Facebook, Twitter, youtube, google+ at iba pa ito ay tiyak na
kanilang kinagigiliwan. Sa panahon ngayon sana’y wag natin kalimutan kung anu
man ang natatanging kinagawian natin noon kahit na tayo ay nasa modern
generation na ngayon at kahit anu man
ang maidulot sa atin gaya ng mga bagong teknolohiya dapat natin ito gawin sa tamang paraan.
Noon ang mga kabataan ang kinaugalian ay manalangin bago
matulog, maaga pang namamahinga mga 8 or 9pm ay natutulog na, yung iba ay
umiinom ng gatas upang maantok at tuloyan na makatulog.
NGAYON ay umaabot ng madaling araw bago matulog, yung iba galing
pa ng party, disco bars, tambayan at iba pa. mas masaklap pa kung alak ang ipinagpalit
sa gatas.
NOON ang mga kabataan ay gumising ng maaga at tumulong sa
kanilang mga magulang magluto ng ulam, magsa-ing o anu mang gawaing bahay ay
kaya nilang gawin
.
NGAYON kahit anu man ang ipagawa sa kanila hindi nila
iniintindi kahit na mawalan ka pa ng boses sa ka sasabi sa kanila wala pa rin
epekto ito at daig pa nila ang patay sa tagal na gumising.
NOON ang mga magulang kayod lang ng kayod upang ihahon sila
sa hirap. Ang kabataan ay hihingi lamang ng pambili kung importante ito.
NGAYON ang mga kabataan halos walang tigil humingi ng pera
sa magulang, kahit hindi importanteng bagay ang bibilhin hingi pa rin. Inu-una
pa ang sigarilyo at inumin kaysa sa pagkain.
NOON pupunta sa tindahan upang bumili ng candy, icecream at
iba pa.
NGAYON pupunta sa tindahan upang bumili hindi na candy ,
pero diaper na at gatas ang bibilhin para kay baby.
NOON madali silang matuto
ng good manners and right conduct, rumespeto sa nakakatanda at sa kanilang mga
kaibigan.
NGAYON ang mga kabataan kaliwa’t kanan o kahit saang sulok kaman
mas crispy pa sa chikenjoy kung mag mura. Kahit na sa public place sila pumunta
wala silang pakialam kung kahit sino man ang makarinig sa kanila. Kahit ano man
ang kinalakihan nilang ugali hindi pa rin natin sila masisi dahil sila din ang
gumagawa nito at ito ay kusa nilang natutunan.
Lahat ng bata sa mundo ay may ibat ibang kinagigiliwan,
ugali, at kinalalakihan. Mahirap man o mayaman, mahina man o malakas ang loob lahat
parin tayo ay not perfect. Our mistakes are because of not knowing or caring. This
shows that we need discipline, whether we are young or old we still need to
discipline ourselves. Discipline are come from an authorized source where in parents
are the one who is assigned by God to administer discipline to us its because
they are the one that is responsible for their children’s lives. It takes strength
to face up our mistakes, look on every situation as a challenge gives it with
extra effort, extra thought energy and time. Challenges can make our life
interesting if we do not run away from them.








No comments:
Post a Comment